Tuesday, July 05, 2005

..buhos pa ulan..

misery is what i feel
..bUhos na uLan aking mUndo'y luNUring tuLuyan..

"sarap sabayan ng pagluha ang buhos ng ulan. pakiramdam mo kase hindi ka nag-iisa. pakiramdam mo lumuluha rin ang kalangitan.ang sarap umiyak lalo na cguro pag nasa ilalim ka ng ulan, walang makakahalata, walang makakakita. nararamdaman mo ang lamig ng bawat patak katulad ng nararamdaman ng puso mo. para bang nagkakaisa ang damdamin niyo. pakiramdam mo may kahati ka sa pighati, sa sakit, sa kalungkutan. sige, ulan... buhos pa, sana kasabay ng pagtila mo ay ang pagtigil ng mga luha ko. sana kasabay ng pagtila mo ay mabaon na din sa limot ang mga alaalang nagpapalamig sa puso ko. sana kasabay ng pagtila mo ay ang pagsikat ng isang bagong umagang punong puno ng pag-asa. isang bagong bukas na maghahatid ng panibagong pag-ibig. isang bagong araw na magbibigay saya...

tigil na... tahan na... :c"
*senti*
knina pa bumubuhos ang ulan,ayan tuloy nagkaroon ako ng inspirasyon. naging makata na nman ako..*haay* sana eto na huling sad post ko. pero alam ko ang layo pa ng 'paglalakbay' ko sa paglimot ng nakaraan. cge na...
*sob*

|



Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com