Friday, June 17, 2005

reality BITES.

ang tagal ko nang di nag-update. tagal ko pala nawala. tagal ko pala nalunod sa kalungkutan. ilang araw, ilang buwan, sa wakas hawak ko na ang katotohanan sa mga palad ko. hindi biro ang sakit na naramdaman ko. lalong hindi rin biro ang dami ng luhang umagos sa mga mata ko. paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung nananaginip ba ko? paano nagawa sa akin to ng taong akala ko kilalang-kilala ko, ng taong lubos kong minahal at pinagkatiwalaan ng husto? hirap na hirap ako, halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit na naramdaman ko. ganun pala un, kahit gaano ka kahanda sa isang bagay, hindi pa rin matatawaran ang sakit pag nasa harap mo na. gusto mo magmura, gusto mo magwala, pero...

"mahal na mahal kita. sabihin mo sakin ngayon kung paano ako magmomove-on kung buong buhay ko nakasentro sayo...hindi lang apat na taon kita minahal alam mo yan, ikaw ang lahat lahat sakin. paano na ko? hindi ko kaya... tatanggapin kita buong buo piliin mo lang ako... pls... mahal na mahal kita!"


gusto ko itago ang mga luha..

hanggang sa huli ako pa din pala ang nagmakaawa. nadala pa rin ako sa labis na pagmamahal. ngayon ko lang napatunayan na nagmamahal ako ng totoo. nilunok ko na kase ang lahat. lahat ng HIYA, lahat ng PRIDE. ramdam na ramdam ko ang awa ko sa sarili ko, pero wala akong magawa MAHAL ko eh, kulang na nga lang lumuhod ako sa harap niya. Tsk,Tsk! Nung mga oras na un nasabi ko sa sarili ko at sa kanya mismo na wala na akong mamahalin pa ng kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ang sakit sakit pala. Lalo pa at hindi mo inaasahan, sa isang iglap lang, sa isang pagkakamali lang maaring magbago ang lahat.
PAANO NA BA AKO?
paano ko haharapin ang bukas na wala na ang taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko?
*sob*


to be continued...?!

|



Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com