first,i just have to say that i loved what i did in this particular photo. iba lang ang dating. it's like seeing right through me. u can see what's behind those eyes. i dont know if u feel the same.basta,this pic reveals my emotions.read on peeps...
minsan akong tumayo sa harap ng isang mahaba at madilim na daan. humakbang ako ng ilang beses. wala akong makita.maraming tanong ang sumasagi sa isip ko.
"bakit nandito ako?"
"bakit pinili ko ang landas na to?"
"bakit nag-iisa ako?"
lumilipas ang mga araw.bawat araw ay katumbas ng isang hakbang sa patuloy kong pagtuklas kung anong meron sa landas na tinatahak ko.malapit na ko sa kalagitnaan, gusto kong lumingon pabalik upang gunitain ang mga alaala. tumulo ang luha sa aking mga mata. ramdam ko ang pangungulila sa aking pag-iisa. gusto kong marating ang dulo ng landas na tinatahak ko.baka sakaling mahanap ko ang mga sagot sa tanong ko. ngunit pinipigil ako ng pag-ibig na nagpupumiglas sa puso ko. bago pa tuluyang mahuli ang lahat muli akong humakbang. konti na lang mararating ko na ang dulo. marami pa ring tanong ang walang kasagutan.
"nasan ka?"
"bakit iniwan na?"
"darating ka ba?"
isang hakbang na lang. gusto kong lumingon muli pabalik. ngunit puno ako ng takot. puno ng pangamba. wala nang pag-asa. wala nang nadarama. manhid na nga ba ko? o patuloy ko pa rin kinikimkim sa loob ang mga nadarama. nanganganib na tumulo na naman ang mga luha.
pano kung paglingon ko,andun na sya..pano ang isang hakbang palayo?itutuloy ko pa ba?
pano kung paglingon ko wala sya,pano matatanggap ang kapalarang di kami para sa isa't isa?
this is what i get from being dramatic..i get to write stuffs that are either too personal or too mushy.i dont even know why im posting this in mah blog.well,maybe because im a frustrated writer. haha! cguro naman i need not elaborate cos i've written everything that i feel na in that essay whatsoever. i just feel good lang releasing something from within.
*sigh*
i h8 dramas.y cant life be completely fun?!=c